Halloween

Happy Halloween!

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.
Ramdam nyo na ba?
Ang ano?
Syempre ang Pasko.
Pero iba ang misis ko. Sabi nya, naamoy nya daw ang Pasko. Hindi ko sya masyado ma-gets. Kung titignan ang kalangitan, medyo wala namang pagbabago. Minsan maaraw, minsan maulap. Wala rin akong ibang naaamoy.

Ako kasi, higit na ramdam ko ang Pasko. Kadalasan kasing hudyat ng Pasko ang malalamig na simoy ng hangin. Hindi mo na kailangan pang magpunta sa Tagaytay upang maramdaman ang malamig na hangin.

Pero sa isang banda, gusto ko rin maamoy ang paparating na Pasko. Siguro masyado lang akong abala. Masyadong maraming mga bagay-bagay na hindi naman mahalaga ang pumupuno at umuubos ng aking oras. Kaya’t pipilitin kong huminto, magmasid, at makiramdam, magbabakasakaling maamoy ko rin ang paparating na Pasko.
Ikaw naaamoy mo rin ba ang paparating na Pasko?
Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Amoy. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.