LP017: Proteksyon

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.
Kung proteksyon din naman ang pag-uusapan, may tatalo pa ba sa proteksyon ng Safeguard? Ooops, medyo sablay yata nun! Sa totoo lang, wala na akong hahanapin pang iba dahil alam kong walang makapapantay sa proteksyon na galing sa Kanya.
Pero syempre, kahit papaano eh dapat binibigyan proteksyon ko rin ang sarili ko. Kaya nga tayo binigyan ng utak para gamitin, hindi ba? Kaya’t kung may gagawin medyo delikado, nararapat lang na gumamit ng tamang mga gamit. Sa larawang nasa itaas, nagsuot kami ng life vest at helmet para sa white water rafting na aming ginawa noon sa Cagayan de Oro.
Bukod sa atin, may iba pang nilikha ang Diyos (oo, hindi tayo nag-iisa), tulad ng mga lamok at iba pang insekto. Nilikha sila upang kagatin tayo! Kaya’t bilang proteksyon sa mga makakati at minsan ay masasakit nilang mga kagat ay gumagamit kami ng Sting-less mula sa Ilog Maria. Gawa ito sa natural na citronella na nagtataboy sa mga insekto.
Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Proteksyon. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.








Making one cake proved to be quite a challenge. We stayed up until 4 AM.
I was busy playing Warcraft in the bedroom, and she was making a mess in the kitchen! I did help cut out the stars though, which ate about 5 minutes of my game time. And from time to time, she would ask my opinion on something, so this is pretty much my thing too!






