tadalafil side effects

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

Archive for the ‘Litratong Pinoy’ Category

LP024: Amoy

Posted by Rico on Oct-29-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Ramdam nyo na ba?

Ang ano?

Syempre ang Pasko.

Pero iba ang misis ko. Sabi nya, naamoy nya daw ang Pasko. Hindi ko sya masyado ma-gets. Kung titignan ang kalangitan, medyo wala namang pagbabago. Minsan maaraw, minsan maulap. Wala rin akong ibang naaamoy.

Ako kasi, higit na ramdam ko ang Pasko. Kadalasan kasing hudyat ng Pasko ang malalamig na simoy ng hangin. Hindi mo na kailangan pang magpunta sa Tagaytay upang maramdaman ang malamig na hangin.

Pero sa isang banda, gusto ko rin maamoy ang paparating na Pasko. Siguro masyado lang akong abala. Masyadong maraming mga bagay-bagay na hindi naman mahalaga ang pumupuno at umuubos ng aking oras. Kaya’t pipilitin kong huminto, magmasid, at makiramdam, magbabakasakaling maamoy ko rin ang paparating na Pasko.

Ikaw naaamoy mo rin ba ang paparating na Pasko?

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Amoy. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

LP023: Maagap

Posted by Rico on Oct-15-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Medyo matagal akong napahinga at sobrang na-miss ko itong LP! Ang lalim ng salita para sa tema ngayong linggo: Maagap. Kulang ako sa oras kung kaya’t recycled o lumang mga litrato ang mga naririto.

Marahil nagtataka kayo kung bakit puro mga cupcakes ang nasa larawan. Ano ba ang kinalaman ng mga cupcakes sa pagiging maagap? Kung hindi nyo pa nalalaman eh mahilig mag-bake ang aking misis. At kadalasan ay sya ang gumagawa ng mga cakes at cupcakes para iba’t-ibang okasyon ng pamilya at mga kaibigan, tulad ng binyag at mga kaarawan.

Hindi kumpleto ang anumang okasyon kung walang cake, hindi ba?  At syempre, kung kami ang may dala ng cake at cupcakes, kailangang maagap kami. Nakakahiya naman kung huli sa selebrasyon ang cake. Isa rin sa mga dahilan kung bakit dapat maging maagap ay upang ayusin ang mga cupcakes na maaaring na-damage gawa ng pagbyahe nito mula sa aming bahay.

Ang mga nasa larawan ay ilan lang sa mga likha ng aking masipag at maagap na misis. Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Maagap. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

LP022: Karatula

Posted by Rico on Sep-17-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Ang tema ngayong linggo ay karatula. Ang unang litrato ay ang mga karatula sa harap ng Ocean Adventure sa Subic. Ang mahal ang entrance fee, Php450 kada tao. Lima kaming pumunta dyan. Tumataginting na Php2250 kaagad yun! =( Kaching! Parang gusto ko awayin yung mga tao sa loob kung bakit ang mahal, hindi ko naman balak iuwi yung dolphin ah! :D

Itong ikalawang litrato naman ay kuha noong kami ay nagbakasyon sa Bohol. Nakasakay kami sa isa sa mga floating restaurants noon sa Lobok River. Ang sasarap ng pagkain dito. Karatula ito na may sari-saring salita para sa mga banyagang bumibisita roon. Tama nga ba ang mga nakasulat?

At itong huling litrato naman ay kuha noong linggo ng pauwi kami galing sa tanghalian mula sa S&R Macapagal Blvd. Medyo grainy ang kuha dahil may kabilisan ang aming andar, pero isinali ko na rin dahil nakakatuwa ang pangalan ng motel na ito. Kung ikaw, papasok ka ba dyan? :love:

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Karatula. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes