LP010: Lahat ay payak
Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.
Sobrang nahirapan ako sa temang “lahat ay payak.” Tinanong ko pa nga si misis kung ano ba ang ibig sabihin ng payak. Ang ibig sabihin daw ng payak ay simple, madali, natural, o ordinaryo. Kung ganun heto ang aking mga lahok. Ang unang litrato ay naglalaman ng mga paborito kong pagkain tuwing almusal. Kuha ko ito noong umaga ng aking kaarawan noong nakaraang taon. Mga simple o payak na pagkain na i-prinito lamang: itlog, isda, at bacon. Dagdagan pa ng mainit na kanin, at suka na may bawang, asin at paminta para sa sawsawan, eh talo-talo na. Siguradong mapapalaban ka.
Isa siguro sa mga payak ngunit masarap gawin ay ang magpahinga sa hardin, lalo na kung mainit ang panahon. Isang mahabang upuan lamang sa ilalim ng mga puno at halaman at masaya na ako. Pwedeng magbasa, magpahinga at matulog.
Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Lahat ay payak. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.





grabe rico! ang sarap naman nito!
kg´s last blog post..Europe post cards: Part 5: Lourdes, France
napakasarap ng payak na buhay.
mordsith´s last blog post..Like a Fairy Tale Come True
ang sarap nung dilis, pls pass the kamatis
sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
ano bah gutumin ba ko sa lahok mo ?? hehe sadyang sarap nga nyan sa almusal kahit d na ko nagkakanin sa agahan.. sarap nyan pag nakakamay pa..
happy huwebes:
jennyL´s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak ( All are Simple)
magandang huwebes
katakam takam namang almusal yan, i’m craving now! salamat sa pagbisita
shie´s last blog post..Litrarong Pinoy : Lahat ay Payak
wow sarap ng ulam pang breakfast, itlog, dilis at cornbeef. sarap pa nyan pag naka-kamay at may sukang maanghang
happy LP
Pasok sa mga paborito ng Pinoy…ang masarap na agahan at ang mapapagpahingahan matapos kumain…buhay Pinoy…
yami´s last blog post..Litratong Pinoy #3: Lahat ay Payak
ay, ang sarap ng breakfast na yan, may kape on the side, heaven na! totoo, a small space like this bench can make us happy.
Wow! Ang sarap naman ng breakfast mo! hehehe gusto ko nyan…especially if extra runny yung egg ko! hehehe
tapos reading on the bench would be a perfect end to a beautiful day!
Zee´s last blog post..LP: Lahat ay Payak
Tumulo laway ko dun sa almusal ah! sarap! miss na miss ko na yan…. itlog at pandesal lang usually nakakain ko sa almusal eh. Ayaw kase ni Garandee magluto ng tuyo, corned beef, tocino at tapa. sniff… =(
Garando´s last blog post..Warsaw, Poland: Series 1 (part 2)
sarap ng almusal!
Willa´s last blog post..SkywatchFriday#22
i’m now hungry =(.
sarap naman nito!
bem´s last blog post..where have all the summers gone
tsarap nyan..naku, pangarap ko ang magkaroon ng hardin sa bahay kasi talaga namang simpleng kaligayahan lang pero nakakapagbigay-pahinga sa katawan at pag-iisip. maligayang LP!
Marites´s last blog post..Hayden-Katrina Video Scandal
ang presong tingnan ang hardinan. Ang sarap mag-relax doon.
i mean presko, not preso, sorry
Add A Comment