LP009: Nang Matapos
Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy. Tulad ng dati, maganda na naman ang tema ngayong linggo: “Nang Matapos.”
Parte na yata ng buhay ng tao ang simula at wakas, laging may una at laging may dulo. Ang unang litrato ay kuha nang matapos kaming kumain ng masarap na tanghalian noong kami ay nasa Bohol ng aking misis. Halata ba na sobrang nabusog kami? Hulaan nyo nga kung kaninong tiyan ang akin?!
Itong ikalawang litrato naman ay kuha ng isang kaibigan gamit ang aking kamera nang matapos ang palaro na aming sinalihan. Sinuwerte kami sa paligsahang ito dahil halos lahat kami ay may nakuhang medalya. Pinaka-masuwerte ako dahil tatlong medalya ang nakuha ko.
Itong huling litrato naman ay kuha ng isang kaibigan gamit ang aking kamera nang matapos kong tikman ang durian sa unang pagkakataon. Kitang-kita naman kung gaano ko kagusto ang durian, hind ba? Sarap!
Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Nang Matapos. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.








galing naman at naka tatlong medalya ka pa!
halata ngang nagustuhan mo yung Durian! lol!
Willa´s last blog post..LP#25: Nang Matapos
kakatawa ng mga tyan nyo! he! he! BUSOG!
kg´s last blog post..LP: Nang matapos
hi salamat sa dalaw =) hula ko ikaw ang nsagawing kanan eheheh =) palagay ko malit ang tyan mo ahahah palagay lng mn eh! ehehehe =)
momm,y jes´s last blog post..Summer Class @ La Cabecera de Montesori
hehehe ok yung last picture nakakatawa yung expression nung isang kumain ng durian.
Happy LP.
Busog!
Ayos ah, me mga medal pa kayo, congrats!
julie´s last blog post..Ang Pagtatapos, Bow!
nakakaaliw naman kwento mo pareng ric…..congratulation sa 3 medal, anong palaro ba yan?
la akong lahok ngayon medyo kagagaling lang kasi sa sakit.
Happy LP
pag natapos, pagod. =D
paoruiz´s last blog post..CKH SHoots Anak ng Kwek Kwek (Wearable Junk)
haha…natawa ako sa unang litrato! nakakatuwang pananaw sa tema ngayon!
Ria´s last blog post..Nang Matapos. (In the End)
siguro ikaw yung pinakamagaling dun sa kumpetisyon. dami mong award e. hehe.
mordsith´s last blog post..Like a Fairy Tale Come True
1.Tyan mo ay yung nasa kanan! (oh ha, sure na sure ako na sexy ka ha ha!)
2. Masarap ang durian! Huwag ka lang hihinga kapag nginunguya yan. *lol*
3. Congrats! Badminton ba nilaro nyo?
Happy LP at salamat sa dalaw kapatid
Thess´s last blog post..Tapos na sa wakas! (LP 57)
Willa, Julie at Mordsith: Swerte lang yun na may halong maraming daya!
kg: Obvious na obvious pala?!
Mommy Jes: Wish ko lang! Baka magalit sa akin si misis nyan!
upto6only: Ako yun! Pinaka poging kuha ko yan.
Jeanny: Badminton tournament dito sa office. Get well soon!
Pao: Eksakto! Simula na rin ng tulog!
Ria: Salamat!
Thess: haha! Salamat at parang seksi pala ako sa imahinasyon mo. hehe Badminton nga yan!
parehong busog na busog iyong mga tyan
Durian! paborito ko yan. Nakakhilo nga lang pag sobrang kain
Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#50 Nang Matapos (When It Ended)
gusto ko yung unang litrato, ganda ng kuha. hehe. at nakakatuwa naman ang iyong facial expression sa pangatlo
happy LP!
iris´s last blog post..Pagkatapos [lp]
LOL! Natawa ako ng husto sa post na to. Buti ka pa, sumubok ng Durian. Ako sa amoy pa lang lumalayo nako eh. Pero yung mga Durian processed food nakakain ko tulad ng kendi, etc.
Garando´s last blog post..Warsaw, Poland: Series 1 (part 1)
Shempre ung makinis tyan kay misis
Haha ang kulit ng post mo at ng mga litrato! Happy LP!
Gmirage´s last blog post..Nang Matapos/Finished – Litratong Pinoy
yung tyan mo yung mabilog, syempre, hehe! baka magtampo si misis pag siya yung sinabi kong nasa kaliwa.
at, natawa naman ako sa last photo, hehe! never mo akong mapapakain ng durian. itaga mo sa bato.
at congrats sa pagkakapanalo niyo sa palaro.
Meeya´s last blog post..Ang Pagtatapos
pahingi ng medal – you got three anyway…lol. i still have to eat durian. how does it taste?
“Hulaan nyo nga kung kaninong tiyan ang akin?”
wala diyan… walang six-pack abs e.
ekstranghero´s last blog post..Eats, Shoots & Leaves: The Case of the $2.13-M Comma
congrats naman kuya! hehehe
sa tingin ko…….parang wala eh hahahaha. asan ang tiyan mo? lol
eto naman po ung akin
nang matapos na
HAPPY LP
yeye´s last blog post..nang matapos na – LP#57
kaninong tyan ung iyo? hmmm, ewan. hehehe..
at ang durian?? kamusta naman ang amoy kuya? hehehe. mukhang gustong-gusto mo nga
naks, daming medals!!
karmi´s last blog post..nang matapos ang gabi..
haha ang saya naman…lalong masaya mabusog! i’m guessing you’re the one in the plain brown shorts…mas mukhang masculine ang tyan eh…haha! :[
Haha, nakakatuwa tong entry mo. Naalala ko tuloy reaction ko nung first time ko matikman ang durian. Medyo namula pa tenga ko. After that, nagustuhan ko na ang durian coffee/cake/shake, lahat ng may durian bits. =)
Add A Comment