generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP008: Simula Pa Lamang

Posted by Rico on May-7-2009

Magandang Huwebes mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy. Aaminin ko na medyo nahirapan akong pumili ng aking lahok para sa linggong ito. Marami kasing simula sa buhay ko, at karamihan sa mga iyon ay mga karanasang lubos kong hindi makakalimutan. Isa pa, maraming ibig sabihin ang temang “simula pa lamang.” At dahil may pagka-abnormal (OC) ako pagdating sa mga ganitong bagay, masyado akong maraming ideya na aking gustong gawin.

Pagkatapos ng isang linggong pag-iisip, napili kong isali ang aking mga kuha noong nagsimula ang taong ito. Ang mga pailaw (paputok?) noong Bagong Taon. Taon-taon, kinukunan ko ang mga pailaw sa kalangitan tuwing Bagong Taon. At ang mga ito ang ilan sa aking mga pinaka-masuerteng kuha. Pwede na ring pagtiyagaan hindi ba? Simula pa lamang ng taon, puno ng mga bagong pag-asa, pagkakataon para sa karamihan sa atin na magsimulang muli.

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Simula Pa Lamang. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. kg Said,

    naisip ko din yan rico, yung maglagay ng new year’s pics pero wala akong makitang maganda! he! he! buti pa ang mga kuha mo! :)

    kg´s last blog post..LP3: Simula pa lamang

  2. sassy mom Said,

    Parang kailan lang ang selebrasyong iyan, ngayon Mayo na. Ganda ng mga shots mo. Magandang Huwebes!

    Eto naman ang aking lahok.

  3. witsandnuts Said,

    Ang ganda ng kuha. Captured yung pagkakaiba iba ng kulay. =)

  4. mordsith Said,

    at sana, simula pa lamang, umalis na ang masasamang ispiritu. hehe.

    mordsith´s last blog post..Like a Fairy Tale Come True

  5. Marites Said,

    ambilis ng panahon ano..parang kelan lang tayo nag bagong taon, heto’t kalagitnaan na tayo ng taon. ganda ng kuha mo sa fireworks :)

    Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#49 Simula Pa Lamang(Just The Beginning)

  6. CES Said,

    ang klaro ng mga fireworks shots mo! :)

    CES´s last blog post..Litratong Pinoy: Start[ers]

  7. Meeya Said,

    happy new year! hehehe! dapat talaga explosive yung pagsalubong ng bagong taon para masagana ang panimula ng buong taon. :)

    i love the fireworks shots, galeng! pwedeng-pwede na talagang pagtyagaan, hehe! :-D happy lp!

    Meeya´s last blog post..Simula Pa Lamang at Mga Tulay

  8. laagan Said,

    ehehehe tamang tama nag iyong lahok..sana yung lahat ng aking new year’s wishes eh matupad

    laagan´s last blog post..LP: Simula Pa Lang

  9. Jay - Agent112778 Said,

    nice shots

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778´s last blog post..Food Trip # 02 : Tinowa

  10. Gmirage Said,

    hhhhhhmmmm…kkagaling ko lang kanina dito hindi ko nakita ang entry mo hehe. or sa kabilang blog siguro ako napunta lol. Beautiful fireworks shots!

    Gmirage´s last blog post..Commitment – SpeakOutFriday

  11. Rico Said,

    KG: Wala na kasi ako naisip kayo eto na lang. Buti ok pa rin.

    Sassy Mom, Marites at Jay – Agent112778: Salamat din sa pagbisita! Maligayang araw!

    Wits, CES at Meeya: Salamat! Iilan lang yan pero buong gabi akong kumukuha. Toink! :bloody:

    Mordsith: Haha! Oo, pati na ang mga mumu.

    Laagan: Haha! Sana tayong lahat mabiyayaan. :-D

    Gmirage: Medyo na late ng pag-post :aie:

  12. jennyL Said,

    salamy sa pagbisita sa lahok ko… ang ganda ng mga fireworks na kuha.. tama simula nga yan ng bagong taon//

    jennyL´s last blog post..Litratong Pinoy: Simula Pa Lamang (Just Starting)

  13. upto6only Said,

    ang ganda ng lahok mo para sa tema ngayong linggo. ang ganda ng kuha mo ingit ako kasi hindi ako nakakuha ng ganyan nuong bagong taon :)

  14. Thess Said,

    Nice firework shots, Rico!

    thanks sa dalaw ha :)

    Thess´s last blog post..Katakam-takam na SIMULA (LP 56)

  15. khaye Said,

    wow! parang ang simula ng buhay ay makulay at punong kislap. Sana maging makulay ang bawat araw na darating. Makulay na huwebes.

    http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/simula-palamang.html

  16. cza Said,

    Awww… pagkakita ko ng fireworks ang naisip ko agad.. sana new year na ulit! :-D nice pics! 8)

    cza´s last blog post..Munching at Madison

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free