LP007: Tulay
Magandang Huwebes mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy. Ang aking lahok ngayong linggo ay pagpapatuloy ng aming bakasyon sa Cagayan de Oro. Kung maalala nyo, una kong inilahok sa Litratong Pinoy na may tema na Paboritong Litrato ang aming bakasyon sa Cagayan de Oro. Pagkatapos ng aming white water rafting, sa tulong pa rin ng Kagay, sumunod naming pinuntahan ang Macahambus Adventure Park para sa canopy walk, zipline, at rapelling.
Ang mga nasa larawan ay ang canopy walk. Ang canopy walk ay binubuo ng mga tulay na may makitid na lakaran na pinagdugtong dugtong sa mga matataas na puno upang makaikot sa ibabaw ng Macahambus cave. Maaaring hindi halata sa litrato, pero sobrang taas ng mga tulay na ito sa mga puno, para kang nasa ibabaw ng isang mataas na gusali.
Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tulay. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.







ang sarap tumawid dyan pero hindi ko kakayanin kasi takot ako sa matataas at magalaw eh
upto6only´s last blog post..LP: Tulay
Nakow..ito sana iyong lahok ko pero di ko makita ang kopya ko sa computer
Lam mo, nangalog ang tuhod ko sa tulay na iyan paano naman kasi ang likot at tumalon-talon pa iyong kasama ko pero talagang enjoy ako sa lugar na iyan. Sarap-sarap balikan! Gusto ko iyong zipline tsaka rappeling. maligayang LP!
Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#48 Tulay(Bridge)
parang ok yan ha! adventure!
kg´s last blog post..Kulang kulang
naku! takot ako jan malamang
pero teka paano mo nakunan iyang huling larawan?
CES´s last blog post..Tulay/Bridge [Litratong Pinoy]
uy, me ganito palang patimpalak. makasali nga minsan.
r-yo´s last blog post..But Then It Rained…
upto6only: Ako din takot sa matataas pero kinaya ko to. Nakakahiya lang humindi kasi ang daming babae dun sa grupo namin. :o
Marites: Naku! Masaya yun kung pareho tayo! Sobrang enjoy nga adventure dito.
KG: Antay ko yung lahok mo. hehehe
CES: May maliit na hagdan paakyat ng isang station (notice the steel ladder at the bottom of the second pic). Dun naman yung rapelling.
r-yo: Masaya sa LP! Sumali ka. Check out the link kung paanu makasali!
yan ang tunay na tulay! adbentyur! Happy LP!
Gmirage´s last blog post..Tulay/Bridge – Litratong Pinoy
Tamang tama tong entry mo. Gusto kong subukan yan kahit pa takot ako sa heights. Nasubukan ko dating dumaan sa mini-hanging bridge. Sobrang nalula ako. Pero masaya yung feeling pag nakatawid na.
sabi ni pangga, mahal jan sa Macahambus
kaya sa pagpunta ko ng CDO, sa Mapawa kami mga adventure
Jay – Agent112778´s last blog post..LP # 55 : Tulay (bridge)
kakatakot naman yyung hanging bridge! di ako tatawid diyan!
Willa´s last blog post..SkyWatchFriday#21
Wow gandang adventure nyan. Kung mabigyan ako ng pagkakataon, magawa ko kaya ito? :[
Ang aking tulay ay nakapost dito. Gandang araw!
ShutterHappyJenn´s last blog post..Tulay (Bridge)
malulula ako kung ako ay dadaan jan. malamang mangatog tuhod ko. hahaha. salamat sa dalaw.
milet´s last blog post..LP 55 : Tulay (Bridge)
wuah kakalula…..nahihilo yata ako hehehe
Happy LP Rico
Sh*t katakot to ah.
paoruiz´s last blog post..Meet Andi
i like to try this =). similar to those hanging bridges in benguet =).
yan ang tulay na hindi ko matutulay
eto panigurado, matutulay ninyo – http://pic.blogspot.com/2009/04/tulay.html
Gmirage: Haha! Adbentyur nga!
Wits, Jeanny, at Pao: Mas madali ito kumpara sa rapelling, promise.
Jay – Agent112778: Sige subukan namin yung Mapawa next time. Sarap sa CDO!
Willa, ShutterHappyJenn, at Milet: Safe naman kasi may harness, pero syempre katakot pa rin.
Kayni: Hindi pa ako napupunta sa Benguet pero gusto ko rin yan mapuntahan.
Junnie: Salamat sa pagbisita.
yikes parang di ko kayang tawirin yan!
HiPnCooLMoMMa´s last blog post..Tulay (Bridge) : 56th Litratong Pinoy
grabe nakakatakot! di ako tatawid jan haha!
btw rico, sino may hawak ng cam dun sa last pic? ang galing!
dyanie´s last blog post..Bea’s bday dinner
issshhh! sobrang nipis ng tulay…kakatakot!…pero exciting yan.
Reflexes
Living In Australia
HiPnCooLMoMMa at Roselle: Ako din nung una ayaw ko, pero nung nauna ang mga babae eh kinaya ko na rin.
Dyanie: Ako yun. Batch namin ang nauna, then next sila KG. After this was the rapelling part. Mas nakakatakot yun!
Wow angsarap na bakasyon! Galing ng mga kuha!
Shuttercow´s last blog post..Venetian ceiling art 2
Whoa, mukhang challenging ngang tawirin ang tulay na yan! Nice shots , Rico
Thess´s last blog post..Tulay sa Thames (LP 55)
Waahh.. di kami nakapag rapel dati . Ayos na ba yun?
aLine´s last blog post..Mt. Pinatubo trek
wow!!! ang gandaaaaaaa!
adventure to the max!
cza´s last blog post..Boracay ’09 : Food Glorious Fooooood (Part 1)
Shuttercow: Uyy! Salamat!
Thess: Nakakatakot na nakakaiyak!
aLine: Sabi ko nga MAS nakakatakot na nakakaiyak!
Cza: Oo. At sobrang hectic ng sched namin. Grabe! Pero super enjoy!
Astig! Gusto kong subukan pero duda ako kung kakayanin ng asawa ko to. Hmmmm.. pakita ko nga yung photos…
Garando´s last blog post..The Danger Of Sleeping
Garando: The canopy walk and the zip line are actually quite okay. It was the rapelling that was pretty scary!
Add A Comment