generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP005: Hardin

Posted by Rico on Apr-16-2009

Isa yata sa pinakamasarap kunan ng litrato ay ang hardin, lalo na para sa baguhang litratista na tulad ko. Para kasing kahit saang angulo mo itapat ang iyong kamera, tiyak na maganda ng kuha mo. Isa pa, makukulay ang mga halaman at bulaklak na nakatamin rito kaya’t nakatutuwang kunan ng litrato.

Ang gusto ko sa mga hardin ay yung may upuan at mesa, bonus na kung may daybed, tulad ng isa sa paborito naming pasyalan sa Tagaytay, ang Bag of Beans. Parang mas masarap magpahinga, matulog, magkape, at kumain sa mga hardin, hindi ba? Ang mga litratong naririto ay kuha mula sa pinakasikat na hardin sa Tagaytay, ang Sonya’s Garden. Isa rin ito sa mga paborito naming puntahan sa Tagaytay.

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Hardin. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. milet Said,

    napakaganda ng hardin. salamat sa pagbisita

    milet´s last blog post..LP 53 : Hardin

  2. kg Said,

    ang maganda pa sa hardin, nakakadagdag ito sa lamig. kaya pag super init, sa hardin ka tumambay, tiyak na mas malamig doon.

    kg´s last blog post..Europe post cards: Part 4: Versailles, France

  3. ShutterHappyJenn Said,

    Ang sarap naman tignan ng mga litrato… nakakarelax!

    Ang aking Hardin ay nakapost na rin dito, ang sa aking kapatid naman ay nakapost dito. Isang magandang araw sa iyo, ka-litratista!

    ShutterHappyJenn´s last blog post..Hardin (Garden)

  4. caryn Said,

    sabi na nga ba, sa tagaytay ang mga kuhang ito ;) nice ones!

    btw, i tried the fish recipre—really really good!

    caryn´s last blog post..public art project 11: wall art

  5. sassy mom Said,

    tama ka masarap magkukuha ng litrato sa hardin. Ganda ng mg shots mo. parang ang lamig lamig tingnan. Gandang Huwebes!

    sassy mom´s last blog post..Litratong Pinoy : Hardin

  6. Rico Said,

    Milet: Salamat rin sa pagbisita. :)

    kg: Tama ka dun! Mas masarap kung may papag!

    ShutterHappyJenn: Salamat! Sige bisitahin ko rin yung lahok nyo! :)

    Caryn: Really? Sabi sayo masarap eh. We might try it agin this weekend. Favorite eh.

    Sassy Mom: Salamat!

  7. jennyL Said,

    parang mas malamig na hardin nito ah.. daming greens

    Happy LP

    jennyL´s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin (Garden)

  8. yummybite Said,

    preskong-presko. tamang-tama para sa mainit na panahon. dito eh madalang lang ang mga hardin sa mga bahay at syempre, walang hardin sa mga flat. kaya namimiss ko na rin ang bahay namin sa pinas. haayyy…

    yummybite´s last blog post..a feel of india

  9. mordsith Said,

    siguro, kaya masarap sa hardin, pakiramdam mo malayo ka sa kaguluhan ng siyudad.

    mordsith´s last blog post..Holy Tuesday: Finality

  10. luna miranda Said,

    ang sarap magmuni-muni sa bench na yan…

    luna miranda´s last blog post..Litratong Pinoy: Gusali (building)

  11. upto6only Said,

    maganda talagang kunan ang hardin daming makikita na di mo akala na nasa hardin pala iyon hehehe.

    upto6only´s last blog post..LP: Hardin

  12. kayni Said,

    i love the wooden bench. i think i could sit there all day and just do muni-muni.

    kayni´s last blog post..A D.C. Morning

  13. Rico Said,

    JennyL: Salamat! Happy LP!

    Yummybite: Hindi pwedeng maglagay kahit yung mag nasa paso? Mas lalamig at mas presko hangin pag may halaman.

    Mordsith at upto6only: Sa tingin ko nga rin. ;)

    Luna Miranda at Kayni: At matulog. At kumain!

  14. sheng Said,

    You know what, i am just starting out with doing my very own garden, semi-lanais style i guess…Very nice pictures…

    sheng´s last blog post..Thank you’s and a lot more…

  15. Marites Said,

    haay! ang ganda naman niyan…tama ka, pag nasa hardin parang ansarap magpalitrato to the max :)

    Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#46 Hardin (Garden)

  16. Garando Said,

    Nice! My mom loves Sonya’s Garden kase she’s a plant otaku (geek). Dumaan ba kayo dyan nung Holy Week?

    Garando´s last blog post..Me & Morinaga

  17. lito antoque Said,

    i just love garden.this one is just cool…sarap siguro matulog dito…hehehe

    lito antoque´s last blog post..sarangani highlands:a restaurant in the skies

  18. Rico Said,

    Sheng: Ok yan! Good luck! Do update us on the progress. :)

    Marites: Hehe Oo nga. Sandali lang kami dyan pero madami pics namin.

    Garando: I like their cheese hopia naman and salads. This was taken months ago. February yata yun.

    Lito Antoque: Mukha nga, pero bawal yata. :)

  19. Jay - Agent112778 Said,

    wow ang presko naman jan

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778´s last blog post..Tatak Pinoy # 04 : Piyaya

  20. jeanny Said,

    nakakarelax tong entry mo Rico. Yung upuan, me kakaiba syang aura na nagsasabing halika dito at magpahinga :)

    Happy LP

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free