generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP004: Paboritong Litrato

Posted by Rico on Apr-3-2009

Marami akong paboritong litrato. At karamihan sa mga ito ay kuha sa black and white, tulad ng mga litratong inilagay ko dito at dito. At ang isa pa nga ay itong nasa itaas.

Ito ay kuha noong kami ay nagpunta sa Cagayan de Oro upang subukan sa unang pagkakataon ang white water rafting. Kasama namin ang isang grupo na tinatawag na Kagay. Matagal na silang nagtuturo at umaalalay sa mga taong gustong sumubok ng rafting. Isa ang Cagayan de Oro sa mga may malulupit na rapids kung kaya’t sikat ito hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa mga banyaga. Mabuti na lamang at may sapat na kakayanan at karanasan ang Kagay kung kaya’t lubos kaming natuwa sa napakagandang pagkakataong mabusukan ang rafting.

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Paboritong Litrato. Tayo na at tignan ang iba pang mga paboritong litrato ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. kg Said,

    aba…pwede pala ako sumali ngayong linggo….paboritong litrato? marami ako nyan! he! he!

    kg´s last blog post..Preschool lessons

  2. Marites Said,

    Ay, nakapunta ako diyan! Grabeh..tumilapon ang kaluluwa ko, unang rapids pa lang. LOL! pero, sulit na sulit..talagang maipagmamalaki natin. Masarap pa rin ba iyong pananghalian nila? Daming pagkain, sulit pati pagkain eh :-D

    Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#45 Paboritong Litrato (Favorite Picture)

  3. upto6only Said,

    dumadalaw lang po..

    yan ang isa kong gustong gawin mag white water rafting kaso medyo nerbyosa ako hehehe. ganda ng kuha :)

    upto6only´s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  4. Munchkin Mommy Said,

    naku, kapag cagayan de oro ang pag-uusapan, it’s a must talaga ang makapagwhite water rafting! hindi ba nakakatakot? parang ang saya-sayang gawin! :)

    Munchkin Mommy´s last blog post..LP #52: Paboritong Litrato (Favorite Photo)

  5. CES Said,

    parang ans saya naman nyan! ganda pa ng lugar!
    :) happy 1st to us!
    eto pa ang isa kong lahok

    CES´s last blog post..Litrato:new fave

  6. witsandnuts Said,

    Wow, inggit ako. Matagal ko ng gustong subukan yan. Although hindi ako marunong lumangoy, parang mas malakas ang loob kong subukan yan kesa bungee jumping. Ganda ng shot. =)

  7. Rico Said,

    kg: Sumali ka na kasi. Dapat lang naman makasali ka ng unang dalawang beses. Tapos niyon eh member ka. Dapat lang mag post ka at least twice a month. Kaw pa eh ang dami mong pics.

    Marites: Ang saya nito! Gusto naming ulitin! At sobrang na-enjoy din namin yung chicken, grilled bagus, seafood na inihanda nila!

    upto6only, Munchkin Mommy and CES: Naku masaya ito! Kaya nga paborito ko rin ito. Alam nyo bang hindi naman kami lahat marunong lumangoy. Pero mababait yung Kagay. Magaling sila umalalay.

  8. lino Said,

    kagay din kinuha namin nung nag river rafting kme… :) Happy 1st Anniversary to us all!!! :)

    lino´s last blog post..favorite pic…

  9. Mauie Said,

    Hindi pa ako nakarating sa Cagayan de Oro. Parang hindi yata kaya ng powers kong subukan yan. Mahina ako sa mga ganyang adventure eh.

    Mauie´s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Litrato (Favorite Picture)

  10. jennyL Said,

    wow parang sarap ng adventure nyo ah…

    Happy LP!! Eto po lahok ko
    http://jennys-corner.com/2009/04/lp-paboritong-litrato-fave-pic.html

    jennyL´s last blog post..LP: Paboritong Litrato (Fave Pic)

  11. RoseLLe Said,

    mukhang exciting yang favorite mo…madalang nga ang ganyang pagkakataon…mabuti’t nakuhanan mo :)

    salamat din sa pagbisita sa aking isang post…napakagandang sumamba tunay sa mga awitin ng Hillsong…sana’y maranasan mong minsan.

    ang aking mga lahok: Reflexes at Living In Australia

    RoseLLe´s last blog post..LP: Looking Back

  12. FickleMinded Said,

    ang ganda,at mukhang ang saya!

    FickleMinded´s last blog post..Food Trip Friday#1

  13. Gmirage Said,

    Mukhang masaya nga yan! At ang ganda ng over the shoulder look ng lahat… :) Happy LP!

    Gmirage´s last blog post..Fevorit – Litratong Pinoy

  14. yeye Said,

    minsan..maganda din kuhaan ang mga likod. hehehe

    ako din, may paboritong litrato! :-D

    may peborits :-D

    HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!

    yeye´s last blog post..peborits – LP#52 Paboritong Litrato

  15. laagan Said,

    sayang at hindi ko nasubukan ang white water rafting nung nasa pinas pa ako. tiyak gagawin ko ito pag nag bakasyon ako hehehe…sarap siguro nito…kakatuwa…

    laagan´s last blog post..LP: Paboritong Larawan

  16. Rico Said,

    Lino: Sikat pala talaga ang Kagay! Sa susunod na balik namin sila pa rin kukunin namin.

    Mauie: Haha! May life vest naman kaya tingin ko kaya mo to. ;)

    jennyL at FickleMinded: Salamat! :)

    RoseLLe: Madalas naming awitin ang mga kanta ng Hillsong, lalo na tuwing linngo sa simbahan. Magaling sila.

    Gmirage at Yeye: Hehe! Paborito yang patalikod. Hindi nawawala sa kodakan!

    laagan: Sayang! Sana kapag nauwi ka rito magawa mo ito. Tiyak kong magugustuhan mo ito.

  17. Jay - Agent112778 Said,

    next time pupunta din ako sa CDO rafting

    sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  18. burn Said,

    I haven’t tried white water rafting. Someday, me and my husband will definitely try it…

    Sana you will visit my site. Good day!

  19. arls Said,

    love ko ang white water rafting!!! :) tumalon ka ba sa graduation rock?

    happy anniv ka_LP! :) salamat sa pagbisita!

    arls´s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  20. Thess Said,

    Mukhang d kakayanin ng puso ko itesh ha ha! Ang tatapang nyo! kung nagawa ko ito ay magiging paborito kong litrato ang lahat ng kuha sa adventure na ganito :)

    ;)

    Thess´s last blog post..Paboritong (mga) Litrato (LP 52)

  21. jeanny Said,

    wow ang saya saya rico. Wish ko rin makapunta dyan sa CD at hindi ko pa natry mag water rafting. Mukhang exciting yan. sana ma try ko rin soon :)

    Happy weekend!

    jeanny´s last blog post..LP: Paboritong Larawan

  22. fortuitous faery Said,

    wow…whitewater adventure! :) :8

    fortuitous faery´s last blog post..dog day afternoon

  23. sheng Said,

    Sana maka try din ako nito, kaso di ako marunong lumangoy, i know i know, but is it too late if i take lessons ngayong summer na to with the kids?

    sheng´s last blog post..A Decade After

  24. dyosa Said,

    Wow! Tagal ko na ring gustong ma-try ito. Sana I can experience this one of these days. Nice photo!

  25. Rico Said,

    Jay, Burn, Jeanny, fortuitous faery, and Dyosa: Subukan nyo to. The best kung kasama ang barkada. O kaya isama nyo kami!

    Arls: Naku! Hindi yata! Ngek!

    Thess: Haha! No guts no glory. Propesyunal naman yung Kagay kaya no worries!

    Sheng: Kami din hindi marunong lumangoy. May life vest naman kaya hindi nakakatakot.

  26. dyanie Said,

    ay ay ay! si kg ba yung isa? naku takot sa mga ganyan! ang tapang nyo! mabuhay! hahahha! :-P

  27. Rico Said,

    Dyanie: Oo si KG yan, with the love of her life Paul. :) Paalis pa lang kami dyan kaya naka pic kami. After that, yung sa lunch stopover na ulet kami na ka picture.

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free