dvd o dibidi
In lieu of a Litratong Pinoy post that I enjoy writing, here’s a tagalog post.
Oo na. Sige na. Aaminin ko na. Bumibili ako ng dibidi. Para sa mga hindi nakakaalam, dibidi ang tawag sa pirata (ibig sabihin illegal) na kopya ng isang pelikula o palabas sa telebisyon. Gaya ng milyon-milyong Pilipino na tumatangkilik dito, bumibili ako nito. Malamang, sa isang punto ng buhay mo, bumili ka na rin nito o nakahiram man lang, kundi man panatikong tulad ko, ng dibidi.
Alam nyo ba na umaabot na sa mahigit 120 pesos ang sine ngayon? At ang dibidi magkano? 100 pesos kung tatlo ang bibilhin mo. Kung isa lang, 40 pesos. Ikumpara mo naman iyon sa mahigit 120 pesos. At sa 40 pesos kong dibidi, makakapanuod ang buo kong pamilya, at malamang ipahihiram ko pa ito sa aking mga kaibigan, kapitbahay at kakilala. Akalain mo, ang daming nakinabang. Buong baranggay.
Maraming benepisyo ang pagbili ng dibidi. Una, syempre, matipid. Ikalawa, ang pagkakaroon mo ng kopya na maaari mong panoorin gaano man kadalas mo gustohin, kahit araw-araw. Ikatlo, maari mong mapanuod yung ibang palabas sa telebisyon na wala pa sa Pilipinas o mahal kung orihinal na DVD ang bibilhin mo, tulad ng mga Koreanovela na kinababaliwan ng kapatid kong babae, at mga TV series tulad ng Friends, House, 24, Dollhouse, Top Chef, Amazing Race, at marami pang iba.
Sa isang banda, unti-unti naman nating pinapatay ang industriya ng pelikula at telebisyon sa ganitong gawain. Hindi ko na sasabihin ang mga panuntunan ng tama o mali dahil alam kong alam nating lahat kung anu ang tama at mali. Isa pa, pagod na akong magsulat. Baka maging nobela na ito.
Nuong nakaraang buwan, bumili ako ng dibidi ng Shawshank Redemption. Masasabi kong isa ito sa aking mga paboritong pelikula, kaya naman binili ko ito nuong aking makita. Isang gabi, pinanuod namin ito. Nuong malapit nang matapos ang pelikula, akalain mo ba namang magloko yung dibidi at huminto. Ilang beses ko itong inayos, pero ayaw na talagang umandar. Na-bwisit lang ako. Na-karma kaya ako?
Nuong nasa kolehiyo pa lang ako, nag-umpisa na akong mamili ng orihinal na kopya ng mga pelikulang gusto ko. Nuong mga panahon na yon, dahil sobrang mahal pa ng DVD (bihira ang sale), VCD ang aking binibili. Minsan may libre pa akong posterng pelikula kapag bumibili ako. Nitong mga nagdaang taon, dumalas ang sale at lubos na nagmura ang mga VCD at DVD. Nakabili na rin ako ng mga DVD na gusto ko. Kagabi, napadaan kami sa AstroVision. Akalain mong nabili ko ang DVD ng Borne Identity at Borne Supremacy (mga paborito ko ring pelikula) ng 175 pesos bawat isa! Ang aking misis naman ay nakabili ng VCD ng Matilda (isa sa paborito nya) at Stardust sa halang 156 pesos, o 78 pesos bawat VCD.
Sa sobrang mura ng DVD, at VCD, hindi na siguro ganun kabigat kung paminsan-minsan ay bilhin naman natin yung orihinal na kopya.






ayos! bumibili din ako ng dibidi dahil sabi mo nga napakamura talaga. meron nga akong nabili na 8-in-1 at 24-in-1 na dibidi sa palengke ng paranaque sa halagang… tentenenen… 60 php lang! ayos talaga di ba? sa hirap ng buhay ngayon, mas ayos bumili na lang ng dibidi kesa manood sa sinehan.
kaka´s last blog post..What’s up with you?
Nung andyan pa ko bumibili ako nang dibidi like yung Starwars collection, Coffee Prince (Koreanovela), etc. Pero buti na lang hindi ganong madami kase hindi ko pwedeng madala papunta dito sa UAE. May nagtitinda rin dito ng dibidi, pero sobrang patago. Twice akong bumili pero hindi na naulit. Natatakot akong mahuli (actually, once in a blue moon lang magpakita yung seller) saka narealized ko mas okay bumili ng DVDs on sale at hindi macoconfiscate sa airport.
By the way, I tagged you here: http://witsandnuts.com/2009/03/15/meltykiss-9-birthday-wishes-10/
Ka: Super good deal yun ah! Ok lahat? Minsan kasi kapag sobrang dami na ng laman ng isa pumapanget yung quality.
Wits: Delikado talaga magdala ng dibidi kung lalabas ka ng Pilipinas. Onli in da Pilipins pwede mga dibidi. Salamat sa tag. Pipilitin kong gawin agad.
ahahah! ako rin may mga dibidis. may “s” talaga yan kasi feeling ko ang dami nya wahaha! :P bumili ako mga koreanovelas, gossip girl, tapos yung mga 8 in 1 na old movies. pero pag ka kay Lloydie, di ako nabili ng dibidi. DVD talaga hehe
dyanie´s last blog post..Guys, please help meeeeee
mahilig din ako bumili nyan. ayoko ng orig dahil super mahal. at san ka naman makakakita ng 18-in-1 na orig? sige ngA! for 60 pesos pa yan ha!
at yaan mo naman humina ang industriya ng mga artista…mayayaman naman na sila. he! he!
kg´s last blog post..Another desperate move: luggage
what i do is buy original dvds or vcds of the movies that i want to keep, then rent those that would just get me by. originals are like investments for me (books too). =)
paoruiz´s last blog post..Give More Pages
I have a very open mind when it comes to buying dibidi’s and audio cd’s.
I buy pirated dibidis for watching. If I really liked the movie, then I buy the original to support the industry. I’m through with those days when I wished I can get my P100 back after seeing a really horrible movie in the cinema.
I download music for listening. If I really like the album, then I buy the original CD to support the industry and the artist. MP3’s are way more convenient so there’s really no other reason for buying the CD except for supporting the people behind it.
Garando´s last blog post..Meme: "Garando likes to…"
Dyanie: Well at least you buy original from time to time.
kg: Patok na patok talaga yung mga 16-in-1 ah! Makahanap nga rin
Pao and Garando: Same thing with me! I only buy original CDs or DVDs of artists or movies that I really want.
I also think that pirated cds help the artists here in the Phils in a different way. Once their songs proliferate via piracy, they will get more famous, hence bigger talent fees during gigs and events. Hahaha, just my cent’s worth. =)
paoruiz´s last blog post..Too Much Fornication
bumibili lang ako ng orihinal kapag gustong gusto ko yung pelikula o kaya mura. sa praktikal na pag-iisip, bakit ka bibili ng mahal kung meron naman mura? hindi naman sobrang laki ng pagkakaiba. ngayon kaya naman pala nila babaan ang presyo, bakit hindi pa nila noon ginawa? sayang naman. ang dami ko na sanang orihinal na dibidi. pero masaya naman ako sa mga galing sa ruins at recto.
mabuhay si chuck! hehe
mordsith´s last blog post..The Highlight of My "Writing" Career
Add A Comment