LP002: Bag
Isa siguro sa mga dahilan kung bakit ang saya-sayang dumalo ng mga kaarawan ng mga bata ay ang mga loot bag na iyong makukuha bago umuwi. Biruin mo, bukod sa masasarap na pagkain na iyong natikman sa okasyon na iyon, ay may pabaon ka pang loot bag na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng laruang pangbata tulad ng krayola, libro, lapis, at iba pa. Bukod dito, may mga loot bag rin na ang laman naman ay mga tsokolate at kendi. Syempre, ito ang klase ng loot bag na mas gusto ko (at ni misis).
Kaya’t doble ang tuwa namin, noong kami ay dumalo ng isang kaarawan, ng malaman namin na may dalawang klase ng loot bag. Kumuha kami ng isa na naglalaman ng mga laruan para sa chikiting na aming kasama, at tatlong bag na pinuno naman namin ng samu’t-saring klase ng tsokolate. Tignan nyo naman ang lugar ng pagkukunan ng mga kendi at tsokolate. Hindi ba’t parang gusto mong kunin lahat?!
Ito ang aking lahok para sa lingong ito ng Litratong Pinoy.
Maligayang Huwebes!





cute naman ng elmo goodie bags!
CES´s last blog post..Litrato: bag
Ang saya saya naman ng birthday party na iyan. Ay, kung ako nandiyan ay pupunuin ko ng gummy bears. Hehehe. Happy LP!
sassy mom´s last blog post..Litratong Pinoy : Bags
sosyal naman ng lootbag na yan….ang gaganda! Happy LP!
Kerslyn´s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
ay ang saya! ang daming sweets! ang meron pang mga makukulay na kamay ahehehe
pambata lang ba yung mga laruan na yun? kala ko pang-matanda din hehe. kaaliw kasi paglaruan.
mordsith´s last blog post..Slums and Millionaires
Ganda ng bags. Kahit hindi nako kid, minsan nakikiagaw pa rin ako sa lootbags. Haha.
ako kahit matanda na natutuwa pa rin sa mga loot bags! he! he!
kg´s last blog post..Europe post cards: Part 3: Paris, France
katuwa naman niyan at andaming pinamimigay. Siyempre pa, makikisali ako sa pagkuha hehehe!
Marites´s last blog post..Litratong Pinoy#41 Bag
i love those loots, galing, okey na ako sa elmo bags, eheheh
sheng´s last blog post..Ulam Craze
ang gandang loot bag naman nito. =)
happy na ako kahit yung bag lang w/o the goodies inside
salamat sa dalaw at happy lp!
ako rin eh, kahit hindi na kid umaasa pa rin na mabibigyan ng loot bag kaso minsan wala na kasi syempre una muna bigyan mga bata hehehe.
Happy LP
jeanny´s last blog post..LP: Bag ni NK
…gandang loot bags yan ah… sarap humingi nang madami.. heheh…^_^
…happy lp, akin lahok…
FamiliaKhuletz´s last blog post..bag
Gusto ko yung loot bags, Sesame Street. Kahit anime na ang uso ngayon, Sesame Street pa rin ako.
Lynn´s last blog post..Pink Bag, It’s Edible
WOW!!!!!!! saan ang pila????makikipila din ako, guto ko yan
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jay´s last blog post..LP # 48: Bag
elmo loot bags…ang kyuttt!!!
ang saya naman niyan. jampacked siguro yan noh nung kuhaan na ng goodies for loot bags hahaha
HAPPY LP PO
yeye´s last blog post..for motion discomfort – LP#48 BAG
Ces: Salamat! Maligayang LP!
Sassy Mom: Haha! Merun nga nun. Naglagay din ako ng konti at isang lollipop.
Kerslyn, Dyanie at Marites: Kaya nga pumunta kami eh!
:o
Mordsith, Wits, KG, Sheng at Thess: Haha! Pero pwede rin sa atin yung laman. Paminsan minsan masaya rin magkulay.
Pao: Salamat bro!
Jeanny, Jay at Yeye: Kami maaga pa lang humihingi na kami upang hinid maubusan, para kunwari sa pamangkin.
FamiliaKhuletz: Kakatuwa ang pangalan ah! Ang kulet! Maligayang LP!
Lynn: Batang Sesame Street ka pala! Ang sosyal. Batang Batibot naman kami.
uy loot bags…
happy LP!
lino´s last blog post..BAGuio…
wow. ang saya talaga ng kiddie party. naeexcite na ako para sa aking 5-month old niece.
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/
arls´s last blog post..LP: Bag
huwaw! ang saya-saya maging bata! heehee. nakaka-excite!
caryn´s last blog post..ads galore
Ang sarap talaga maging bata! Nakakatuwa yung mga kendi…tama ka parang gusto mong iuwi lahat…hahaha…
jetty´s last blog post..Oh Boy!!!
Lino: Maligayang LP rin sir!
Arls: Naku, masaya yan. Sali kami!
Caryn: Salamat!
Jetty: Buti nga wala masyadong nakapansin sa amin.
Pahingi ako ng goodie bag!
ANG CUTE NG LOOTBAGS!!!!!!!!!!!!! May Cookie Monster ba?
toni´s last blog post..Weekend Soiree #56: A game of comment interaction
Dyosa: Naku! Naubos na! Next time isasama ka namin.
Toni: Merun din! Kaso walang cookies. ;( Chocolates madami.
Add A Comment