tadalafil side effects

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP024: Amoy

Posted by Rico on Oct-29-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Ramdam nyo na ba?

Ang ano?

Syempre ang Pasko.

Pero iba ang misis ko. Sabi nya, naamoy nya daw ang Pasko. Hindi ko sya masyado ma-gets. Kung titignan ang kalangitan, medyo wala namang pagbabago. Minsan maaraw, minsan maulap. Wala rin akong ibang naaamoy.

Ako kasi, higit na ramdam ko ang Pasko. Kadalasan kasing hudyat ng Pasko ang malalamig na simoy ng hangin. Hindi mo na kailangan pang magpunta sa Tagaytay upang maramdaman ang malamig na hangin.

Pero sa isang banda, gusto ko rin maamoy ang paparating na Pasko. Siguro masyado lang akong abala. Masyadong maraming mga bagay-bagay na hindi naman mahalaga ang pumupuno at umuubos ng aking oras. Kaya’t pipilitin kong huminto, magmasid, at makiramdam, magbabakasakaling maamoy ko rin ang paparating na Pasko.

Ikaw naaamoy mo rin ba ang paparating na Pasko?

Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Amoy. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Please share this!
  • Twitthis
  • Digg
  • Propeller
  • Technorati
  • StumbleUpon
  • Facebook
  • LinkaGoGo
  • del.icio.us
  • MisterWong
  • email
  1. upto6only Said,

    hehehe malapit na nga ang pasko. pero dahil sa dami ng dumating sa atin na mga kalamidad eh parang ang hirap maramdaman ito.

  2. cza Said,

    oo! Pasko naaaa! Naaamoy ko na rin ang pasko. :D Super excited na nga ako e. :)

  3. r u s s Said,

    Mejo ramdam ko na sya pag gabi, iba na yung simoy ng hangin – yung tipong nakakaginaw na sya tapos pag pumunta ka sa mall o sa supermarket, puro Christmas songs na ang maririnig mo kahit may nakikita kang mga display na pang-Halloween :)

  4. Willa Said,

    Malakas ang pang amoy ng iba, naamoy nila ang Pasko, ako maaamoy ko lang yun kung may magluluto para sa amin. :)

  5. AL Said,

    Oo ganyan talaga ang mga babae, matatalas ang pangamoy. Ako ren eh, naaamoy ko na ang Pasko…amoy menudo siya para aken, tuwing naamoy ko yan kaya alam ko papalapit na ang Pasko.

    Salamat nga pala sa pagpansin mo sa blog ko ha!

    AL

  6. Ebie Said,

    Hehehe, hindi ko pa naamoy ang pasko, baka pang umpisa na ng disyembre, maraming ng palamuti ang mg tindahan.

    Happy LP!

  7. luna miranda Said,

    hindi ko pa naamoy ang Pasko…kandila at bulaklak muna, after Halloween, pwede na amoyin ang Pasko. :o:

    ang ganda ng mga litrato mo…nakaka-relax.

  8. witsandnuts Said,

    Ako rin pag andyan naaamoy ko rin ang simoy ng Pasko. Mahirap ipaliwanag, pero may amoy talaga. Heeehee. Pero dito sa UAE, as in hindi ko maramdaman. Ginagawan ko na nga lang ng paraan, makinig sa Christmas songs, etc.

  9. docgelo Said,

    sabik na din kami sa pasko. ngunit dahil sa mga pesteng kaliwat-kanang bagyo, apektado marahil ang pagunita ng mga pinoy dito. ano pa man, ‘ika nga ng APO, “tuloy na tuloy pa rin ang pasko!”

  10. dong ho Said,

    as i have posted in other blogs who used this theme. the clouds whether you see it from below or from the top is really beautiful! i just came from my cebu trip and was as always awed by the clouds! ;)

  11. dyanie Said,

    oh yeah! amoy ko na ang pasko! nung nasa labas ako kanina, ang lamig na! weee!!! :P

  12. Munchkin Mommy Said,

    madalas ko ring sabihin ang mga katagang “amoy pasko na”. may anak kasi akong 5 year-old kaya mas maaga kong naaamoy ang pasko. hahaha. :)

  13. jay - agent112778 Said,

    OO naman, ‘BER’ months na eh, amoy bonus pa

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  14. odette Said,

    aww, i’m happy i can finally leave a comment! i dunno why, but the last few times i attempted i really couldn’t. :(

    gustong-gusto ko rin ang amoy ng pasko! kung may lechon lang sana, kumpleto na ang pasko ko…. ^-^

  15. dyosa Said,

    Totoo yan, malamig na ang simoy ng hangin. :-)

    Nararamdaman ko na ang Kapaskuhan.

  16. Well Said,

    op corz! bukod sa malamig, iba nga naman ang amoy/simoy ng pasko.

Add A Comment

:p 8) :lol: =( :8 ;) :(( :o: :[ :) :D :-| :-[) :bloody: :cool: :choler: :love: :oups: :aie: :beurk:

Spam protection by WP Captcha-Free

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes