generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP020: Merienda

Posted by Rico on Aug-20-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Heto na! Merienda time na! Tiyak kong gugutumin at mabubusog (pwede ba yon? :-| ) tayo sa mga handa ngayong linggo. Sino ba naman kasi ang pasimuno at nagka-ideya na gawing pagkain yung mga tema?! Hanubayan! :o:

Ang unang litrato ay ang paborito kong pagkain mula sa paborito naming restaurant na Café Breton, ang Chicken Run. Apat na piraso ng tinapay na may thinly-sliced grilled chicken breasts, tapos asparagus, tapos yung creamy sauce na hindi ko alam kung ano :oups: pero napakasarap, at konting kamatis. May coleslaw salad pa sa gilid! Madalas kong ginagawang ka-partner nito ay calamansi juice.

Kadalasan, dahil medyo busog pa ako sa dami ng aking kinain noong tanghalian, eh nagiging meryenda na ang mga desserts. Itong nasa itaas ay ang crêpe sa Breakfast at Antonio’s, isang all-day breakfast restaurant sa Tagaytay. Masarap hindi ba? May ice cream at tsokolate pa! :8 Kape naman ang swak na partner nito.

At itong huli naman ay gawa ni misis. Noong una nyang ginawa yan eh medyo pumalpak. Pero noong pangalawang ulet eh napa-Wow! kaming lahat. Kitang-kita naman hindi ba? Parang kung sinong pastry chef ang gumawa! Hindi ko alam kung anu tawag dyan :love: , basta ko na lang kinain. Yung mga ganyang ka-gandang cake eh hindi na pinatatagal at dapat nang upakan! :o:

Nagutom ka ba o nabusog? :beurk: Ito ang aking lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Merienda. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. luna miranda Said,

    ohmygulay! ang sasarap naman! at ang gawa ni misis, mukha nga gawa ng pro. galing!

  2. cza Said,

    wow… nagutom ako! Cafe Breton never fails to make my tummy happy. Hehe! :-D Pero ang caaaaaaaaaaake! Pwede nang ibenta yan. Pabili? Hehehe.

  3. jeanny Said,

    wow galing talaga ni wifey. Panu gnya ginawa yan heheheh…..

    Happy LP Rico :)

  4. witsandnuts Said,

    Hay, grabe. Sobrang naglaway ako sa last picture!

  5. CES Said,

    ang sasarap naman nyan! ang ganda pa :)

  6. Lynn Said,

    Wow ang ganda naman ng presentation ng cake na nagawa ng misis mo. Katakam-takam. Pwedeng pang-centerpiece dessert pag may okasyon.

  7. kg Said,

    nakakagutom!!!! naiisip ko pa lang kakainin natin sa canteen naiinis na ako! hanggang litrato na lang ba tayo?

    ang ganda nung cake!

  8. carnation Said,

    naku sobra pa ito sa meryenda! ang galing ng asawa mo sa pag-gawa nya ng fruit tart/cake kung ano man tawag dyan! salamat sa dalaw

  9. Well Said,

    Food blog ba ito!? ahahaha! parang di totoong pagkain. kala ko menu sa mga restaurants eh. kung ako cguro un manghihinayang akong kainin! hahaha! gaganda ng shots mo… kakainggit! sana ganun din ako kagaling. hehehe!

    HAPPY LP!
    Meryenda

  10. an2nette Said,

    talagang napakaswerte mo sa asawa, pwede na kayong magtayo ng restaurant business, ginutom ako sa entry mo, napakalinaw at maganda ang pagkakakuha mo ng mga larawan

  11. iska Said,

    YUM! Ok na ako sa unang larawan. Gusto ko din yan… kahit tanghalian hehehe

  12. Mirage Said,

    Bakit isa lang litrato nakikita ko, ung crepe lang—-balik ako later at mamaya na totoong comment hehe-

  13. yeye Said,

    gourmet meals here. hehehe :) sarap :-D

    eto naman po ung akin :-D

    mabigat na merienda :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :-D

  14. Jay - Agent112778 Said,

    ang sarap ng crepe

    salamat sa pag sali sa tema ngayun at sa masarap na komento

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  15. upto6only Said,

    ang ganda naman ng gawa ng asawa mo. parang nakakahinayang kainin. naku pede na cyang pambenta. pwede bang humingi ng recipe hehehe

  16. dyanie Said,

    waaah rico nagutom ako sa blog mo!!! masarap din ang crepes sa cafe breton! hmm chicken run. di ko yan nata try. masap ba talaga? hehe

    anu yung gawa ni wifey? pavlova ba tawag jan? looks yummy!!!!

  17. dong ho Said,

    ok now you made me very very hungry. :o:

  18. eks Said,

    nagutom! par, pag napasyal kayo sa breton, sigaw ka lang. maririnig ko na kayo mula sa klinalalagyan ko. hehehe.

  19. r u s s Said,

    Siempre, gutom na naman! I will try the Chicken Run in Cafe Breton. Each time I go there, regardless of the branch I always have my default orders. I always have the Excalibur w- extra onions and tomotoes if I want something heavy, but if I’m up for dessert, it’s always the La Pinay for me.Ü

  20. fortuitous faery Said,

    you must be very proud doon sa cake! at may ribbon pa! anong sinabi ng goldilocks at red ribbon? hehe.

  21. Mirage Said,

    ayan sa wakas kita ko na lahat, sulit ang pagbalik ko at nabusog ako sa mga litrato! Happy LP!

  22. jetty Said,

    Ang ganda ng cake na gawa ni Misis! Kung sa akin yan parang ayaw ko nang galawin at ididisplay ko na lang. hahaha…. Pero seriously, naglaway ako sa pangatlo! Mukhang ang sarap sarap eh!

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free