generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP019: Tanghalian

Posted by Rico on Aug-13-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Syempre, syempre, pagkatapos ng Almusal, ilang oras lang ay kasunod na niyon ang Tanghalian. :o: Huwag na kayong magtaka at pagkain na naman ang tema ngayong linggo. Kung hindi nyo pa pansin eh pagkain ang tema sa buong buwan ng Agosto. Kay sarap! Ang mga lahok ko ngayong linggo ay kuha noong kaarawan ni Yuan, pamangkin ni misis, noong nakaraang buwan ng Hulyo.

Ang unang litrato ay karaniwang nakikita sa mga handaan: pritong lumpia. Pero kakaiba ito. Mas masarap at mahalimuyak. May halo kasing basil ang lumpia. Ang litrato naman sa ibaba ay calamares. Gawa naman yan ng pinsan ni misis. Present yan sa dalawang nakaraang handaan (praktis daw muna), at dahil patok rin naman, mukhang palagi nang magkakaroon nyan.

Ito naman ang pinakapaboritong chicken ng pamilya sa buong mundo. :) Lahat yata ng bahay dito sa Pinas eh may turbo, hindi ba? Kaya naman simula ng ginawa ng misis ko ang turbo chicken na yan mga tatlo o apat na taong nakaraan eh always present yan, mas orasyon man o wala. Peyborit! Patok na patok! Laging ubos! Agawan pa sa wings at balat yung ibang tao dyan! Ehem! :aie:

At itong huli syempre ang paborito ko sa lahat: hipon. Para sa akin, hindi kumpleto ang handaan kung wala nito. Kahit nga hipon lang ang handa masaya na ako.

Nakakabusog Nakakagutom, hindi ba? :beurk: Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tanghalian. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. Lynn Said,

    Subukan ko nga iyang pritong lumpia with basil. Katakam-takam lahat ng pagkaing nakapost dito. Paborito ko ang hipon! Sarap.

  2. Sassy Mom Said,

    Nakakatakam ang presentasyon… kakagutom!

  3. kg Said,

    uy! paborito ko din ang hipon! sarap! gusto ko lahat ng mga asa litrato mo! pahingi naman! :)

  4. luna miranda Said,

    korek, nakakagutom! kahit heavy ang dinner ko kanina, nagutom ako bigla nang makita ko ang hipon. :-P ang ganda ng close-up ng lumpia.

  5. Willa's LP:Lunch Said,

    sarap naman dito! paborito ko lahat ng nasa litrato.

  6. witsandnuts Said,

    First picture pa lang, drooling nako. Hahaha. Paborito ko rin ang hipon kahit anong klaseng luto.

  7. carnation Said,

    ang sasarap ng handa nyo. salamat sa dalaw

  8. Marites Said,

    nahihilo na ako sa mga pagkain na ipinapakita sa LP. hehehehe! puro masarap eh.maligayang LP!

  9. dong ho Said,

    oh! wow! wow! and another wow! for this. so tasty by the looks of it. :)

  10. yeye Said,

    bet ko dinkuya ang wings hehehe :-D

    ang sarap naman..lalo na ung sugpo..rarrrr…kakagutom!!

    eto naman po ung akin :-D

    Tanghalian

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :-D

  11. rose Said,

    madaya ka naman. ginutom mo ako! :)

  12. an2nette Said,

    Hi Rico, ang sarap naman ng mga handa, malinaw at maganda ang pagkakakuha ng larawan, next time diyan ako sa pinas magdedebut kaya imbitado ang mga taga LP

  13. Ria Said,

    mukha ngang masarap ang pritong lumpiang yan!

  14. Janelle Said,

    nakakagutom ang mga litrato mo…

  15. shie Said,

    ang sarap ng handa :) kakaiba yang pritong lumpia parang ang sarap tikman at may basil at totoo ka dyan sa tinurbong chicken, di nawawala sa amin yan tuwing handaan …

    nananghalian na rin ako ….

  16. fortuitous faery Said,

    wow susyal…may basil leaves ang lumpia! :)

    ang pula-pula ng hipon! yummmm! :) :-D :love:

  17. upto6only Said,

    naku hipon at manok masarap na handa yan. paborito ko ang hipon lalo na pag buttered shrimp ang luto at maanghang cya. masarap din ang turbong manok kasi na pepreserve nito yung natural na lasa ng manok. hayyyy sarap kumain.

  18. dyanie Said,

    rico!!! nagutom ako sa mga larawan! fave ko rin ang hipon! pwede pala tyo mag seafood fest nina kg eh. buti walang allergic satin hahah!

    social naman ng lumpia. may basil pa ahehehe! at ang manok! fave fave! grabeee makapag check nga kung anu dinner haha! :-P

  19. Russ Said,

    Iba talaga kapag handaang Pinoy.Ü
    I like the Lumpia with the twist. Like you, shrimp and anything from its family is my favorite. Any meal served with shrimp, for me, that’s a feast. Kakagutom!

  20. Well Said,

    ang paborito ko sa mga handa mo ay ang lumpia na kitang kita ang kaluluwa, ang mga calamares na mukhang onion rings o chicken nuggets at ang nagbabaga sa pulang hipon! hating gabi na pero nagugutom pa rin ako. parang mga pang pulutan naman ang tanghalian mo. ahahaha! salamat sa pagbisita!

    happy LP!
    Almusal

  21. iska Said,

    walang kaduda-duda.. nakakagutom talaga! yung unang dalwang larawan ay niluto ko 2 wees ago yata para sa anak kong mahilig sa crunchy. good combi baga!

  22. lawstude Said,

    and sarap naman nyan. tamang -tama tanghalian na. bigla ako nag craze sa calamari.

  23. jeanny Said,

    ang daming food. Gusto ko yung unang pic. Yung Lumpiang may halong basil. Try ko nga yan :)

  24. richard Said,

    yummY! nakakagutom naman dito.. natikman ko na lahat yan sa ibang luto nga lang.. looks delicioius mga pix.. :)

  25. aBIGwhale Said,

    grabe ang sarap kahit 11:41PM na parang ang sarap mag tanghalian dahil sa post mo na to :[

  26. LP021: Lansangan | Buhay Bahay-Bahayan Said,

    [...] LP019: Tanghalian [...]

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free