LP017: Proteksyon

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.
Kung proteksyon din naman ang pag-uusapan, may tatalo pa ba sa proteksyon ng Safeguard? Ooops, medyo sablay yata nun! Sa totoo lang, wala na akong hahanapin pang iba dahil alam kong walang makapapantay sa proteksyon na galing sa Kanya.
Pero syempre, kahit papaano eh dapat binibigyan proteksyon ko rin ang sarili ko. Kaya nga tayo binigyan ng utak para gamitin, hindi ba? Kaya’t kung may gagawin medyo delikado, nararapat lang na gumamit ng tamang mga gamit. Sa larawang nasa itaas, nagsuot kami ng life vest at helmet para sa white water rafting na aming ginawa noon sa Cagayan de Oro.
Bukod sa atin, may iba pang nilikha ang Diyos (oo, hindi tayo nag-iisa), tulad ng mga lamok at iba pang insekto. Nilikha sila upang kagatin tayo! Kaya’t bilang proteksyon sa mga makakati at minsan ay masasakit nilang mga kagat ay gumagamit kami ng Sting-less mula sa Ilog Maria. Gawa ito sa natural na citronella na nagtataboy sa mga insekto.
Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Proteksyon. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.






lahat ng iyan ay proteksyon na aitng kailangan.
Parang naenganyo akong bumisita sa Ilog ni Maria. Parang walang counterpart ng Sting-less dito.
tama ka sa sinabi mo sa unang litrato mo sa Kanya tayo makakakuha ng walang hanggang proteksyon.
ok ba yung mosquito repellant?
Happy LP.
Buti di ako kasali sa meme na ito kasi baka maging contribution ko ay Trust o Frenzy lol.
Naalala ko adventure ko sa CDO. Nag try din kasi kami white water rafting doon kasi sabi nila you have never been to CDO if you do not try WWR. Gusto ko ulit ulitin yun.
Yung una pic, ganda ng facade.
Willa: Oo nga. Maligayang araw!
Jo: Dapat pala magpadala ka dyan. Teka, malamok rin ba dyan?
Uptosixonly: Para sa akin mukhang ok naman. We also bought citronella sprays for other
pestsinsects.Lawstude: Nung una yun din sana ilalahok ko, kaso medyo pa wholesome image ko. :p
ay naiinggit naman ako sa CDO adventure mo! ang ganda ng litrato mo ng simbahan…sa Tagaytay yata yan, di ba?
oo nga, ang Diyos ang pinakamagandang proteksyon. Ganda talaga ng simbahang iyan. Sa Tagaytay yan ano? nag-white water rafting din kami sa CDO. Sarap ulitin! maligayang LP!
rafting din ang lahok ko..
yan ang need ko. lapitin ako ng lamok eh.
Hmn, interesting po ‘yang Sting-less. Saan po ba mabibili yan? Makapaghanap nga at maipadala sa probinsya. Maraming halaman kasi sa lugar namin kaya minsan marami ang lamok
Happy LP, kaibigan.
yes, proteksyon ni God ang the best sa lahat! proteksyon yan ng magulang, kapatid, kaibigan, at lahat lahat na!
tang stingless ng ilog maria ang pinapagamit ko ngayon kay wendy, para iwas dungue!
effective ba iyang stingless. kasi malaki ang problema ko sa mga lamok e. pinahanap ko na sa buong compound ang posibleng panggalingan nila pero lahat ng stagnant water wala na. i don’t know kung saan sila naglulungga. kawawa ang anak ko laging kinakagat ng lamok. huhu..
love,
nobe
http://www.deariago.com
http://www.iamnobe.wordpress.com
sa hirit mo pa lang sa safeguard, panalo na!
eto naman ang aking proteksyon!
salamat!
i like your choice of the life jacket as a protection but more to that it reminds me to go venture the white water! :[
Add A Comment