tadalafil side effects

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP016: Tuyo (Dry)

Posted by Rico on Jul-16-2009

Magandang Huwebes muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

Kung ako ang tatanungin, ang almusal ang pinakapaborito kong oras ng pagkain. Hindi ko alam kung ito ay dahil sa matagal na napahinga ang aking tiyan o talaga lang na masarap ang mga tuyong pagkain. Kaya nga sobrang natutuwa ako at marami nang mga all-day breakfast restaurants. Isipin mo, kahit anong oras, pwede kang mag-almusal.

Hindi ko alam kung anu talaga ang meron ang mga tuyong pagkain, siguro yung mantika at cholesterol, pero talaga namang napakasarap ng mga ito. Para maging kumpleto ang almusal, kailangan ng fried rice, pritong itlog, at ang paborito kong bacon. Kung walang bacon, pwede rin naman ang pritong isda o pritong tapa, katulad ng mga almusal na kinain ko noong nagpunta kami sa Baguio ilang linggo na ang nakakaraan.

Kitams! Puro tuyo ang aking almusal: pritong isda, itlog at kanin mula sa Cook’s Inn, fried chicken and fries mula sa Mile High Diner, at Tita Susie’s Crispy Tapa mula sa Cafe by the Ruins.

Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tuyo (Dry). Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Please share this!
  • Twitthis
  • Digg
  • Propeller
  • Technorati
  • StumbleUpon
  • Facebook
  • LinkaGoGo
  • del.icio.us
  • MisterWong
  • email
  1. witsandnuts Said,

    Yum, yum. Wala pa akong natikman na masarap na tapa dito. Bigla kong namiss ang Tapa King.

  2. sardonyx Said,

    kakagutom naman! hehehe tsaaalaapppp hahaha, pero kagabi kumain kami ng daing na boneless bangus with matching pinakbet at ginisang munggo kaya naparami na naman ang kain ko….

  3. Zeee Said,

    WOW! Ang sarap naman! I would love to have this right now! hehehe :)

    BTW I love your smileys…what plugin did you use?

  4. an2nette Said,

    Hayy ginutom talaga ako sa mga pagkain na yan, mamya ganyan ang lulutuin ko, very nice shots

  5. Toni Said,

    Kain tayo!!!!!!!!!! Yun Crispy Tapa na yan ha, nakakatakam ng OVER. Akala ko nung una Adobo Flakes, tapa pala!

  6. Rico Said,

    Wits: Bawal yata beef dyan? Ako hindi mahilig sa beef, puro yung tapa sa Cafe by the Ruins ay masarap talaga.

    Sardonyx at An2nette: Masarap talagang kumain. Hirap lang mag diet. :(

    Zeee: I’m using the Smilies Themer and the Smilies Themer plugins. Try that too.

    Toni: Sarap nito. If ever you drop by Baguio, don’t forget to visit Cafe by the Ruins. Pricey pero masarap naman.

  7. dong ho Said,

    wow! looks like ill gain pounds everyday if im with you. hehehe… i like danggit and longganisa for breakfast. of course it should come with the -silog. :o:

  8. r-yo Said,

    ganyan din halos ang breakfast sa chowking. dinadayo ko yung danggit tsaka tapa doon. kagutom!

  9. cza Said,

    waaaaah…. =( nagutom naman ako dito… :[

  10. Thess Said,

    Sa totoo lang gusto ko na tumigil mag blog hop! Mahapdi na sikmura ko sa pictures nyo :choler: :)

    hmmm, ano kaya partner ng sinangag, wala ksi akong tuyo na mabibili dito. ah, cge daliri na lang pwede ng ulam he he!

    happy lp!

  11. luna miranda Said,

    ano ba ito??? lalo akong nagugutom sa mga litrato mo (wala pa pina-deliver na dinner huhuhu)! ay, Cafe by the Ruins ba yan sa Baguio? favorite resto ko sa Baguio…mukhang mountain rice pa yan, purple—sarap! :o:

  12. paoruiz Said,

    tuyo or hindi, nakakagutom to.

  13. kayni Said,

    delicious looking photos. it’s making me hungry.

  14. kayni Said,

    delicious looking photos. they’re making me hungry.

  15. fortuitous faery Said,

    masarap talaga ang mga piniritong pagkain! :) ;)

  16. kg Said,

    importante ang almusal! ako, yan lang din ang “main” meal of the day ko. :)

    masarap mag-almusal, lalo na pag nagsasalo-salo tayo!

  17. Marites Said,

    pinoy na pnoy ang almusal! mamantika, ma-kolesterol at masasarap! :)

  18. Rico Said,

    Dong Ho: Hindi naman siguro: :) Galaw galaw na lang para ma burn lahat ng kinain natin.

    R-yo: Naku! Masarap din ang danggit!

    Cza, Pao at Kayni: Ako rin ginutom. Tara kain!

    Thess at Fortuitous Faery: Ako rin ginugutom. Karamihan kasi sa mga lahok ngayon puro pagkain!

    Luna Miranda: Oo nga, masarap talaga dun, medyo mahal nga lang.

    KG: One of the things we look forward to dito sa office.

    Marites: Oo nga. Heart attack aabutin natin nito! :)

  19. mordsith Said,

    masarap talagang kumain sa umaga. lalo kung di ka pa nagmamadali. :)

  20. Pinky Said,

    Nakakabusog naman tignan ang iyong mga litrato – sarap! Paborito ko rin yung tostadong bacon sa almusal – kasama ng pancakes at scrambled eggs – yum! :) :love:

  21. caryn Said,

    mmmm! naglaway naman ako sa mga letratong yan! ;-) tsalap!

  22. upto6only Said,

    wow sarap ng pagkain. hayyyyy kakagutom pag umuulan at walang pasok :)

  23. Rico Said,

    Mordsith at Caryn: Op kors! Tataba tayo ng husto nyan!

    Pinky: Uuy! Gusto ko rin ng pancakes. Basta kahit anong may bacon masarap! :)
    Uptosixonly: Wala kayong pasok?! Ang daya! Kami meron. ;(

  24. ces Said,

    awww! sarap nyan!!!!:(penge!:)

  25. Well Said,

    ayos! nabusog ako dun ah! hahaha!

    eto naman ung akin: http://sundaymadness.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-66-tuyo-dry.html

  26. r u s s Said,

    Mas masarap silang kung may kasamang itlog na maalat. Hahaa.

Add A Comment

:p 8) :lol: =( :8 ;) :(( :o: :[ :) :D :-| :-[) :bloody: :cool: :choler: :love: :oups: :aie: :beurk:

Spam protection by WP Captcha-Free

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes