generic cialis

Buhay Bahay-Bahayan

Mga Kwento ni Mister

LP014: Dito lang

Posted by Rico on Jun-26-2009

Magandang Huwebes, este Biyernes na pala, muli mga ka-litratista! Oras na naman para sa Litratong Pinoy.

May isang mahalagang bagay akong natutunan mula sa aking misis noong isang gabi. Nasa bahay kami ng isang kaibigan para sa isang pagtitipon at nabanggit niya ang isang simple ngunit mahalagang bagay na marahil hindi natin napag-iisipan o napapansin. Sabi nya, mahalaga raw sa isang pamilya ang magkaroon ng isang lugar sa bahay kung saan maari silang makapagtipon at makapag-usap. Makapag-bonding ika nga. Yung iba kasi, sa kanya-kanyang kwarto na lang namamalagi, palibhasa may kanya-kanyang TV at computer. Pero sa ibang pamilya, itong “special place” na ito ay ang sala. Sa iba naman, ang kusina o ang hapag-kainan. Pero para sa amin, dito lang sa labas ng bahay ng aking biyenan, sa may bandang hardin, ay “solve” na kami. Walang TV o computer.  Puro kwentuhan, kalokohan,  at katatawanan.

Ilang mga pagdiriwang na rin ang nangyari rito. Hindi ko alam sa iba, pero para sa amin, mas masaya kung dito lang ginaganap ang mga handaan. Hindi mo kailangang magbihis ng maganda, hindi mo kailangang magmadali sa pagkain at pakikipag-kwentuhan sa mga bisita, at higit sa lahat pwede kang kumain ng masasarap na pagkain ng paulit-ulit. :)

At dahil nga dito lang ginaganap ang mga pagdiriwang at salo-salo, pwede ka na ring maligo kahit anong oras mo gustohin, may pool naman kasi kami. :)

Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Dito lang. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito.

Related Posts with Thumbnails
  1. peachkins Said,

    ganda naman ng hardin nyo at ang luwag…

  2. kg Said,

    parang ang sarap umupo dun sa bench at magmuni-muni!

  3. Ada Said,

    Thanks for dropping by at my blog :8
    Great blog I really love your theme :) !

  4. Jeanny Said,

    tama si misis mo. Dapat may ganyan. Pag nagka bahay na ko gusto ko may hardin….para maimbintahan ko kayo pag may handaan hehehe!!!

    Happy LP

  5. Snow Said,

    I love the garden. Sarap matulog diyan :)

  6. Marites Said,

    magandang ideya yan, kami ay sa kusina o sala, nagtitipon-tipon. Pero, kung mas maganda sana kung may hardin kami na gaya sa inyo. mas masaya.

  7. carnation Said,

    oo nga dapat lang merong place talaga na ganyan. sa amin cherish ko ang memories with my parents and siblings sa mga tipon-tipon na yan, gabi2. salamat sa dalaw

  8. an2nette Said,

    That’s a good idea na magkaroon ng bonding place, mukhang preskong matulog sa garden, nice shots
    an2nette´s last blog ..LP- Dito Lang (Only Here) My ComLuv Profile

  9. fortuitous faery Said,

    sarap maligo sa pool! pero hindi na ko kakasya dyan…hehe :beurk:
    fortuitous faery´s last blog ..The Lion, The Shield and The Post Office My ComLuv Profile

  10. dong ho Said,

    hahaha…. ang cute nung nasa pool at ang pool. ;)

  11. teys Said,

    nakakatuwa ang iyong lahok… tama, masyadong mabilis na ang buhay ngayon parang wala nang nag-uusap dahil puro nakagadget na halos lahat – psp, ds, ipod… kailangang bumalik sa simpleng chika chika bonding moments :)

    hapi lp!
    teys´s last blog ..Farrah Fawcett and Michael Jackson dead My ComLuv Profile

  12. Thess Said,

    Ang lawak ng hardin, masarap ngang tumambay dyan!!
    Natawa ako sa pool mo :) buti pa sya nagkasya..isang binti ko lang yata kakasya dyan haha…ay pwedeng pang foot spa! lol

    happy Monday! (tsuri na leyt ng dalaw, kapatid)
    Thess´s last blog ..Dito lang, sa bintana ko. (LP 63) My ComLuv Profile

  13. bem Said,

    mukha ngang ang sarap mag-muni-muni sa “paborito mong espasyo”. presko. at inggit ako, may pool pala kayo – dilaw pa!

  14. Rico Said,

    Peachkins: Kaya nga naging favorite namin ito.

    KG, Snow at An2nette: At kumakain rin :)

    Ada at Carnation: Salamat rin sa bisita!

    Jeanny: Oy! Oy! Oy! Hihintayin ko yang pramis mo! Pag nagka bahayn rin kami invite namin kayo!

    Marites: Kahit saan basta sama sama, ok na rin yun.

    Fortuitous faery, Dong ho, Thess at Bem: Balang araw magkakaroon din ng pool dyan para sa amin! :)

    Teys: Sakto! Maligayang araw rin sa iyo!

  15. caryn Said,

    hi rico! thanks for joining my contest ;) parang ang presko sa hardin nyo ;)

    btw, can you email me your postal mailing address and shirt size? my email is gandarynako (at) yahoo (dot) com ;)

Add A Comment

CommentLuv Enabled

Spam protection by WP Captcha-Free